COVID-19 cases sa Navotas City, nasa 710 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, 16 ang bagong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa huling datos hanggang 5:00, Martes ng hapon (July 7), umakyat na sa kabuuang 710 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 362 ang aktibong kaso.

Nasa 291 naman ang total recoveries sa lungsod habang 57 ang pumanaw.

Read more...