Taft, Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 13 kilometers northwest ng bayan ng Taft, alas-5:52 hapon ng Martes (July 7).

May lalim na 83 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...