Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng Pangasinan.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang episentro ng lindol sa layong 10 kilometers Northwest ng Bani bandang 2:36 ng hapon.
Anim na kilometro ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Hindi naman nagdulot ng pinsala ang lindol sa nasabing bayan.
Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.