Inanunsiyo ito mismo ni Mayor Isko Moreno sa flag-raising ceremony sa Manila City Hall.
Ayon sa alkalde, nakasailalim na sa quarantine ang tatlong opisyal at binibigyan na ng atensyong medikal.
Nagsasagawa na rin aniya ng contact tracing at testing activities sa mga posibleng nagkaroon ng exposure sa COVID-19.
Sa kabila ng pagkakaroon ng contact sa tatlong opisyal, lumabas na negatibo sa nakakahawang sakit sina Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.
“We have three, and sad to say, we were exposed again—Vice Mayor and I were exposed because these are key personnel that we meet day-in and day-out, every hour, every day of our duties, that’s why we really have to be careful,” pahayag ng alkalde.
Kasunod nito, idiin ng alkalde ang kahalagahan ng mass testing operations at pagsunod sa public health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at social distancing.
“Gusto kong ipaalala sa lahat na talagang pong napakadelikado ng COVID-19, at lagi kong pinapaalala na ito’y walang pinipiling tao, walang pinipiling katayuan sa buhay—bata, middle aged, matanda; may sakit o wala; malusog o hindi; sikat o hindi; may kapangyarihan o wala; lahat pwedeng maexpose sa virus na ito,” ani Moreno.
“Andiyan lang po si COVID-19, hinihintay po tayo. Huwag po ninyong hayaan na malagay kayo sa alanganin. It’s really dangerous and we really have to take care of ourselves. Practice simple things,” dagdag pa nito.