BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa 47,873 na; Higit 1,500 ang nadagdag
Nadagdagan pa nang halos 1,500 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos hanggang 4:00, Martes ng hapon (July 7), umabot na sa 47,873 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 34,178 ang aktibong kaso.
Sinabi ni Vergeire na 1,540 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 993 ang “fresh cases” habang 547 ang “late cases.”
Nasa anim pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,309 na.
Ayon pa sa DOH, 201 ang gumaling pa sa 380 sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 12,386 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.