Nagmula ang kargamento sa Estador Unidos na itinago sa magkahiwalay na package.
May estimated street value na P600,000 ang nadiskubreng ilegal na droga.
Unang idineklara ang nasabat na package ng shabu bilang “gift puzzle game board” at “puzzle game made of cardboard as a gift” na dadalhin sana sa Albay at Cabanatuan City.
Sa isinagawang physical examination, natagpuan ang mga pakete na naglalaman ng shabu sa loob ng puzzle game boards.
Nakumpirma na shabu ang laman nito batay sa pagsusuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Samantala, nakuha rin ang dalawa pang misdeclared na bote ng Methyl Ethyl Ketone (MEK), isang controlled chemical na ayon as PDEA ay sangkap sa produksyon ng methamphetamine hydrochloride.
Nakuha ito dahil sa kakulangan ng Import Permit mula sa PDEA.
Ang nasabing controlled precursors ay ilegal na na-import sa bansa mula sa Taiwan.
Nai-turnover na ng BOC-NAIA ang ilegal na droga at controlled precursors sa PDEA para sa case profiling, imbestigasyon at posibleng paghahain ng criminal cases laban sa importers sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA No. 9165) na may kinalaman sa Customs Modernization and Tariff Act (RA No. 10863).
Siniguro naman ng BOC-NAIA na patuloy nilang haharapin ang pagpasok ng mga ilegal na droga sa bansa sa pamamagitan ng pinaigting na profiling at aktibong koordinasyon sa PDEA.