COVID-19 cases sa Singapore, sumampa na sa higit 45,000 na
Mahigit 150 ang bagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.
Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 157 na kaso hanggang 12:00, Martes ng tanghali (July 7).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
“Based on our investigations so far, there are 20 cases in the community, of whom 12 are Singaporeans and eight are Work Pass Holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.
Base pa sa imbestigasyon, 12 sa 20 kaso ay close contact ng mga naunang pasyente.
Sa ngayon, nakasailalim na sa quarantine ang mga bagong pasyente.
Maliban dito, mayroon ding tatlong imported cases na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 45,140 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.