Pagkakaroon ng e-learning center sa lahat ng LGU, isinusulong sa Kamara
Inihain sa Kamara nina House Appropriations Committee Chairman Eric Yap at Deputy Speaker Paolo Duterte ang panukalang batas ukol sa E-learning.
Sa ilalim ng House Bill 7050 o ang E Learning Center Act of 2020, kailangang magtayo sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa na magsisilbing venue para sa mga gustong gumamit ng computers, internet, at academic readings para palawigin ang kanilang kaalaman lalo na ang mga estudyante.
Ang Department of Education o DepEd, katuwang ang Department of Public Works and Highways o DPWH ang bubuo ng naturang E-Learning center kung saan magiging available ang mga libro, journals, news paper and magazines, audio-visual aids, e-books at iba pang online resources.
Maaari din itong gamitin para maghanap ng trabaho o iba pang makabuluhang paggamit ng internet.
Sabi ni Yap, sa pamamagitan ng e-learning center ay mabibigyan ng pantay na oportunidad ang mga kababayan na mapaunlad ang kanilang mga buhay sa pagbibigay ng libreng access sa internet at computer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.