Baon na bolo na obrero sa LRT, nabuko

By Jan Escosio July 07, 2020 - 02:34 PM

Nadiskubre ang bitbit na jungle bolo sa pagsakay ng LRT kayat nakakulong ang isang construction worker sa Pasay City.

Bandang 5:35 ng madaling araw, July 7, nang dumating sa LRT Baclaran Station si Johny Mariquita, 41-anyos ng Barangay Bagong Nayon, Antipolo City.

Ipinasalang naman ng guwardiyang si Germel Olediana ang bitbit na bag ni Mariquita sa security x-ray scanner at nagduda ang una nang mapansin sa monitor ang laman ng bag.

Nang pabuksan ni Olediana kay Mariquita ang bag ay nakita ang 21-inch jungle bolo.

Nagwala pa ang suspek nang imbitahan sa security office kayat nagpasaklolo na sa Pasay City Police Station ang pamunuan ng LRT.

Paglabag sa Batas Pambansa 6 ang kinahaharap na kaso ni Mariquita.

TAGS: confiscated jungle bolo, Inquirer News, LRT, Radyo Inquirer news, confiscated jungle bolo, Inquirer News, LRT, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.