Nagpa-Grab delivery ng shabu, lalaki hinuli

Dahil sa pagdududa ng isang Grab delivery crew sa ipinade-deliver sa kanya, nabuking ang plano ng isang lalaki na magpadala ng droga sa Marikina City.

Ayon kay Francis Berioso, 22-anyos ng Paranaque City, may nagpa-book sa kanya sa isang mall sa Makati City para mag-deliver ng mga damit sa Marikina City bandang 6:00 ng gabi ng Lunes.

Ngunit, laking pagtataka niya nang iabot lang sa kanya ang isang maliit na brown envelope.

Dahil sa kanyang pagdududa na hindi mga damit ang kanyang ide-deliver, binuksan ni Berioso ang sobre at nakita niya ang isang kahon ng sabon, na nang kanyang usisain ay may tatlong sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Dumiretso na sa pulisya si Berioso at isinumbong ang kanyang nadiskubre.

Sa ikinasang follow-up operation, naaresto si Enrico Guadalupe, 51-anyos residente ng Makati City.

Read more...