MRT-3, na-trace na ang mga istasyon at shift ng ticket sellers na nagpositibo sa COVID-19
Na-trace na ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang mga istasyon at working shifts ng ticket sellers na tinamaan ng COVID-19.
Layon nitong matulungan ang publiko na malaman kung nagkaroon sila ng direktang contact sa nasabing station personnel.
Sa datos hanggang July 6, nasa kabuuang 198 empleyado na ang nagpositibo sa nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 177 ang depot personnel, tatlo ang train drivers, dalawa ang Control Center personnel at 16 ang station personnel.
Ang mga nagpositibong station personnel ay ticket sellers sa North Avenue, GMA-Kamuning, Cubao at isa ang nasa reserved status at nurse.
Narito ang working shifts ng mga tinamaang ticket sellers ng pandemya:
Sa North Avenue station, mula 1:00 ng hapon hanggang 11:00 ng gabi at 4:30 hapon hanggang 2:30 ng madaling-araw.
Sa Quezon Avenue, nai-deploy ang apektadong ticket sellers mula 1:00 ng hapon hanggang 11:00 ng gabi.
Ang station personnel naman mula sa GMA-Kamuning station ay may working schedule na 4:30 ng hapon hanggang 2:30 ng madaling-araw.
Ang nagpositibong ticket sellers sa Cubao station ay nai-deploy mula 1:00 ng hapon hanggang 11:00 ng gabi and 4:30PM to 2:30AM.
Inabisuhan naman ang mga pasahero na nagkaroon ng direct contact sa mga apektadong empleyado na bantayang maigi ang kanilang kondisyon at sumailalim sa home quarantine para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Tiniyak naman ng pamunuan ng MRT-3 na ginagawa nila ang mga kailangang hakbang para mapanatili ang kaligtasan ng mga empleyado at pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.