Dalagita, ninakawan ng halik ng boyfriend ng lola

Inaresto ang isang tauhan ng Philippine Marines dahil sa pagnanakaw ng halik sa isang dalagita sa Muntinlupa City, Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Charly Ces, 43-anyos, residente ng Barangay Sucat, sa lungsod.

Base sa salaysay ng 15-anyos na biktima, nasa loob siya ng kanilang bahay bandang 10:30 ng gabi nang maganap ang insidente.

Aniya bigla na lang siyang niyakap at hinalikan sa leeg ng suspek, na boyfriend ng lola ng biktima.

Agad nagsumbong ang biktima sa kanyang ina at sinamahan naman siya ng ama sa pulisya para isumbong si Ces.

Maaring maharap sa kasong paglabag sa Child Protection Act (RA 7610) ang suspek.

Read more...