Ipina-o-overhaul ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin sa Department of Transportation (DOTr) at sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang public utility vehicles (PUVs) route system.
Sabi ni Garbin, dapat ibigay sa mga bus ang mahahabang ruta habang pinalilimitahan naman sa mga jeepney ang mga maiikling ruta.
Kailangan din aniyang ipaubaya sa mga rehistradong tricycle ang mga kalsada na papunta sa mga palengke.
Sinabi din ni Garbin na mas maraming jeepneys ang kinakailangan sa Bicol, Central Luzon, Cagayan Valley region, at Ilocos region habang mas maraming bus naman ang kinakailangan sa ruta ng España, Andres Bonifacio, Taft Avenue, Roxas Boulevard, Novaliches, at Libis.
Pinatutulungan din ng mambabatas sa ahensya na gawing new norm sa lahat ng mga PUJ, bus at tricycle ang pagbabayad sa pamamagitan ng cashless payment o pagbibigay ng eksaktong pamasahe upang maiwasan ang hawaan ng sakit.
Pinakikilos din ng kongresista ang mga LGU na tulungan ang mga PUV driver na magkaroon ng personal hygiene kits gayundin ng hand washing stations, portable toilets, laundry at bathing facilities sa kanilang mga terminals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.