Morgan Freeman bagong boses sa Waze mobile app

By Den Macaranas February 23, 2016 - 04:46 PM

Freeman
fasttocreate.com

Simula ngayong araw, February 23, boses na ng Hollywood actor na si Morgan Freeman ang maririnig sa sikat na navigation application na Waze.

Sa inilabas na pahayag ng Google, tatagal lamang ng ilang linggo sa U.S ang boses ni Freeman para sa nasabing sikat na Global Positioning System (GPS) application na nagtuturo ng ruta, traffic updates at iba pang real-time information para sa mga motorista.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 50Million active users ang Waze sa ibat-ibang bahagi ng mundo at patuloy pa sa pagtaas ang nasabing bilang araw-araw.

Sinabi rin ng Google na binayaran nila si Freeman para sa nasabing proyekto kasabay ng promotion ng action movie na “London Has Fallen” kung saan ay kabilang ang actor sa mga bida.

Ang Waze ay available sa IOS store at Android sa pamamagitan ng Waze.com/Get.

TAGS: GPS, Londo Has Fallen, Morgan Freeman, Waze, GPS, Londo Has Fallen, Morgan Freeman, Waze

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.