Apat na tauhan ng MMDA nagpositibo sa COVID-19; operasyon ng MMDA headquartes sususpindihin

Sususpindihin muna ang operasyon sa headquarters ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Makati City.

Ito ay para maisailalim sa disinfection ang pasilidad makaraang apat na empleyado ng MMDA ang magpositibo sa COVID-19.

Ang mga field personnel naman ng MMDA ay mananatiling naka-duty.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, nagpasya silang suspendihin muna ang operasyon base sa rekomendasyon ng MMDA COVID-19 Committee.

Ang suspensyon ay sa July 9, at sa July 10.

Nagsasagawa na ng contact tracing ang MMDA sa mga nakasalamuha ng apat na pasyente.

 

 

Read more...