90 lokal na turista lumabag sa quarantine protocols sa CDO City matapos magtungo sa beach

Siyamnapung lokal na turista sa Cagayan de Oro City ang sinita ng mga pulis dahil sa paglabag sa quarantine protocols.

Ang mga turista ay nadatnan ng mga tauhan ng Carmen Police Station na nasa beach sa Barangay Bonbon.

Itinaboy ang mga turista at pinagsabihan na bawal ang magtungo at magtipon sa beach dahil sa umiiral na community quarantine.

Inisyuhan naman ng Ordinance Violation Receipt ang may-ari ng beach dahil sa insidente.

 

 

Read more...