Madonna palihim na nagpunta sa Amanpulo, Palawan

By Den Macaranas February 23, 2016 - 04:42 PM

Madonna performs during the premiere of her Rebel Heart tour Wednesday, Sept. 9, 2015 in Montreal.  (Ryan Remiorz/The Canadian Press via AP)
The Canadian Press via AP)

Kinumpirma ng source ng Inquirer na kasalukuyang nasa premier resort na Amanpulo sa Palawan si Madonna.

Nauna nang hiniling ng mga organizers ng kanyang 2-day concert sa Mall of Asia Arena ang privacy para sa tinaguriang top touring female artist of all-time.

Si Madonna o Madonna Louise Ciccone sa tunay na buhay ay dumating noong lunes sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng chartered Boeing 752 galing sa kanyang pagtatanghal sa Macau.

Sa higpit ng seguridad ay sa loob na ng eroplano tinatakan ng mga imiigration official ang kanyang passport.

Pinagbawalan din ang mga opisyal at empleyado ng NAIA na kumuha ng larawan ni Madonna nang siya’y lumipat sa isang pribadong sasakyan kasunod ang mahabang convoy.

Ang kanyang Manila concert ay kasabay ng launching ng  kanyang 13th Studio “Rebel Heart” album.

Ang ticket sa concert ay nagkakahalaga ng P57,700 para sa VIP at ang pinakamura naman ay P3,500 para sa general admission.

TAGS: Amanpulo, Madonna, MOA, Palawan, Amanpulo, Madonna, MOA, Palawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.