Kapalaran ng prangkisa ng ABS-CBN posibleng mapagbotohan na ng komite sa Kamara ngayong linggo
Tinapos na ng House Committee on Legislative Franchises ang interpellation o pagtatanong para prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN.
Ayon kay Palawan Rep. Franz Alvarez, pinuno ng komite natapos na nila ang pagtalakay sa mga isyu na ipinupukol sa network.
Dahil dito, sabi ni Alvarez summation na lamang ang gagawin nila sa Huwebes ganap na ala 1:00 ng hapon.
Dito, ilalahad ang buod ng mga lumabas sa nakalipas na mga pagdinig.
Maari ayon sa mambabatas na magbotohan na rin sila sa Huwebes kung madaling matatapos ang proseso.
Kapag nakakuha ng paborableng pasya ang ABS-CBN sa komite iaakyat ito sa plenaryo para sa second reading pero kapag ibinasura ang hiling nito na prangkisa hindi na ito aabot pa sa ikalawang pagbasa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.