2.5 percent inflation rate naitala noong buwan ng Hunyo
Nakapagtala ng bahagyang pagsipa sa inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo para sa nagdaang buwan ng Hunyo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), 2.5 percent ang naitalang inflation rate noong Hunyo na mas mataas kumpara sa 2.1 percent noong Mayo.
Sinabi ni PSA National Statistician Claire Dennis Mapana ang pagtaas sa transport costs gaya na lamang ng pagtaas ng pamasahe sa tricycle nang magbalik ito sa biyahe ang pangunahing dahilan ng pagsipa ng inflation.
Nakaapekto din sa inflation ang mas mataas na presyo ng alcoholic beverages at tobacco products.
May kontribusyon din ang halaga ng pabahay, tubig, kuryente, gasolina at iba pang fuels.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.