50 Chinese nationals arestado sa ilegal na POGO sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo July 07, 2020 - 09:07 AM

Aabot sa 50 Chinese nationals ang dinakip sa isang POGO sa Makati City na ilegal na nag-ooperate.

Sinalakay ng mga tauhan ng Makati Police at city business permits personnel ang POGO establishment sa Brgy. Pio Del Pilar.

Maliban sa 50 Chinese Nationals may naaresto ding 1 pang Myanmar National.

Nakumpiska ng mga otoridad ang mga computer, laptops, cellphones at iba pang gamit sa loob ng establisyimento.

Ginawa ang pagsalakay matapos makatanggap ng reklamo ang mga pulis na may ilegal na pasugalan sa lugar.

Ayon sa Southern Police District ang mga dayuhan ay nag-ooperate sa ilalim ng Hua Xin POGO company.

 

TAGS: Inquirer News, makati city, News in the Philippines, POGO, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, makati city, News in the Philippines, POGO, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.