Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 11.7 million na

Umakyat na sa mahigit 11.7 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, mahigit 11,731,000 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 170,000 na bagong kaso sa magdamag.

Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na sa mahigit 3 milyon.

Sa magdamag ay mahigit 49,000 ang naitalang bagong kaso sa US.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 1,626,071
India – 720,346
Russia – 687,862
Peru – 305,703
Spain – 298,869
Chile – 298,557
UK – 285,768
Mexico – 256,848
Iran – 243,051

Nahigitan na ng India ang Russia sa dami ng mga kaso, habang ang Peru ay nahigitan naman na ang Spain.

Ang Mexico ay tumaas din ang bilang ng kaso ng COVID-19 ay pang-siyam na ngayon sa mga bansang may pinakamaraming kaso.

Nahigitan na ng Mexico ang Italy at Iran sa dami ng kaso ng COVID-19.

Mula naman sa dating pang-39 na pwesto, nitong nagdaang mga araw ay nagpatuloy ang pag-akyat ng Pilipinas sa hanay ng mga bansa na apektado ng COVID-19.

Ang Pilipinas ay nasa pang-37 pwesto na ngayon sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso ng sakit.

 

 

Read more...