St.Luke’s sinabing tuloy ang pagtanggap nila ng COVID-19 related cases
By Dona Dominguez-Cargullo July 07, 2020 - 08:37 AM
Itinanggi ng St. Luke’s Medical Center ang mga balita na sila ay full capacity na sa COVID-19 admissions.
Ayon sa pahayag ng St. Luke’s, ang SLMC sa Global City at Quezon City ay kapwa mayroon pang kapasidad para tumanggap ng COVID-19 related cases.
Hanggang kahapon, July 6, mayroong 70 percent admission ang St. Luke’s base sa designated na bilang ng hospital beds para sa COVID-19 cases.
Nananatili ring fully equipped ang ospital sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.