Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na magpapadala sila ng liham sa lahat ng consumers.
Sa nasabing liham, idedetalye na ang estimated at actual costs at ang proseso kung paanong nakuha ang halaga ng babayaran.
Sinabi ni Zaldarriaga na nauunawaan ng Meralco ang mga consumer na nabigla sa naipon nilang bill sa kuryente.
Muli sinabi ni Zaldarriaga na hindi ito kailangang bayaran ng bigla ng mga consumer at pwedeng installment ang pagbabayad sa loob ng susunod na 6 na buwan.
MOST READ
LATEST STORIES