Halaga ng bayarin sa kuryente detalyadong ipapaliwanag ng Meralco
Detalyadong ipapaliwanag ng Meralco sa consumers ang halaga ng kanilang bayarin sa kuryente.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na magpapadala sila ng liham sa lahat ng consumers.
Sa nasabing liham, idedetalye na ang estimated at actual costs at ang proseso kung paanong nakuha ang halaga ng babayaran.
Sinabi ni Zaldarriaga na nauunawaan ng Meralco ang mga consumer na nabigla sa naipon nilang bill sa kuryente.
Muli sinabi ni Zaldarriaga na hindi ito kailangang bayaran ng bigla ng mga consumer at pwedeng installment ang pagbabayad sa loob ng susunod na 6 na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.