DOH nag-emergency hiring na ng health workers para sa Cebu
Pinakakalma ng Palasyo ng Malakanyang ang mga health worker sa Cebu na burnout na at pagod na sa trabaho dahil sa pagdami ng nga pasyente na tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagsasagawa na ngayon ang Department of Health ng emergency hiring para sa mga health worker.
Sinabi pa ni Roque na first priority na ngayon ang Cebu kapag dumating na ang mga biniling personal protection equipment o PPE, ventilators at iba pa.
Hindi na rin dapat na mag-alala ang mga health worker sa Cebu dahil may kaukulang kompensasyon ang lokal na pamahalaan.
Magdaragdag na rin ng pondo ang pamahalaan para sa mga contact tracers.
Kaunting pasensya aniya sa mga health worker dahil tinutugunan na ng pamahalaan ang kanilang mga pangangailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.