DILG-Napolcom Building sa QC isinailalim sa lockdown

By Dona Dominguez-Cargullo July 07, 2020 - 06:46 AM

Isinailalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang DILG-Napolcom Center building sa EDSA malapit sa Quezon Avenue sa Quezon City sa 7-araw na lockdown.

Ang lockdown ay nagsimula kahapon, July 6 bilang pag-iingat matapos ang ulat na isa sa senior officials nito ay nag-positibo sa COVID-19.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, hindi nito maapektuhan ang paghahatid ng serbisyo ng kagawaran sa Central Office sapagkat maaari namang mag-Work from Home (WFH) at puwedeng tumanggap at magpalabas ng dokumento ang ground lobby ng nasabing building.

Dagdag pa ni Malaya, mananatili ang operasyon ng bawat tanggapan ng DILG hanggang sa mga field units nito.

Sinabi ni Malaya na habang naka-lockdown ang buong building, magsasagawa ng disinfection sa buong opisina at contact tracing sa lahat ng mga kawani nito.

Ang ‘No Visitor Policy’ ay mahigpit pa ring pinaiiral habang ipinahihinto naman ang pagpasok at paglabas ng mga DILG personnel. Sa mga importanteng pagkakataon na kailangang pumasok ng mga mataas na opisyal sa gusali, sila din ay inaasahang hindi muna makipag-ugnayan sa ibang tanggapan.

Dahil sa WFH na arrangement ng mga DILG personnel, pinayuhan ang publiko na ipadaan ang lahat ng opisyal na transaksyon kaugnay ang Kagawaran sa pamamagitan ng email, telepono, at social media sa oras ng opisina.

Nakatakdang tanggalin ang lockdown sa July 13, 2020 kung kailan magre-resume muli ang regular na oras ng trabaho.

 

 

TAGS: central office, covid pandemic, COVID-19, department of health, DILG, general community quarantine, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, News in the Philippines, quezon city, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, central office, covid pandemic, COVID-19, department of health, DILG, general community quarantine, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, News in the Philippines, quezon city, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.