Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig City 1,227 na

Nadagdagan pa ng 141 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Taguig City.

Sa inilabas na update hanggang Lunes ng gabi July 6), kabuuang 1,227 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Naitala ang mga bagong kaso sa mga barangay Bagumbayan, Central Signal, Fort Bonifacio, Katuparan, Lower Bicutan, Napindan, New Lower Bicutan, Palingon, Pinagsama, South Daang Hari, South Signal, Sta Ana, Ususan at Western Bicutan.

Mayorya ng bagong kasong naitala ay sa Barangay Fort Bonifacio na nakapagtala ng 100 bagong kaso ng COVID-19 kaya umabot na sa 274 ang kaso sa naturang barangay.

Narito ang datos sa iba pang barangay sa Taguig:
– Bagumbayan – 41
– Bambang – 17
– Calzada – 34
– Hagonoy – 14
– Ibayo-Tipas – 30
– Ligid-Tipas – 22
– Lower Bicutan – 167
– New Lower Bicutan – 51
– Napindan – 8
– Palingon – 5
– San Miguel – 17
– Sta. Ana – 26
– Tuktukan – 20
– Ususan – 61
– Wawa – 15
– Central Bicutan – 24
– Central Signal – 21
– Katuparan – 10
– Maharlika Village – 17
– North Daang Hari – 50
– North Signal – 17
– Pinagsama – 68
– South Daang Hari – 45
– South Signal – 41
– Tanyag – 11
– Upper Bicutan – 46
– Western Bicutan – 75

Nasa 167 na mga pasyente na ang gumaling na sa lungsod habang 23 na ang pumanaw.

 

 

Read more...