Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 10,500 na

Sumampa na sa mahigit 10,500 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 237 na bagong kaso ng sakit kahapon.

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 10,506 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 6,527 ang aktibong kaso, 3,570 ang gumaling na at mayroong 408 na nasawi.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 6,870 cases.

Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:

Cebu Province – 1,608
Mandaue City – 1,065
Lapu-Lapu City – 877
Negros Oriental – 43
Bohol – 43
Siquijor – 0

 

 

 

Read more...