Cebu City Health Department hindi na maglalabas ng datos sa COVID-19
Inihinto na ng Cebu City Health Department ang paglalabas ng datos sa COVID-19 sa lungsod.
Sa abiso ng CCHD, base ito sa rekomendasyon ng Inter Agency Task Force.
Ayon sa CCHD, hindi na sila magpo-post ng daily reports sa kanil ang Facebook page para maiwasan ang kalituhan sa datos.
Sinabi ng CCHD na ang datos na kanilang ibinabahagi kada araw ay aktwal na mga kasong na-validate na ng kanilang contact tracing teams.
Pinayuhan na lamang ng CCHD ang publiko na ang Facebook Page ng DOH-Region 7 ang bantayan para sa mga datos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.