Isa patay, 20 huli sa anti-drugs raid sa Infanta, Quezon

By Den Macaranas February 23, 2016 - 03:27 PM

shabu
Inquirer file photo

Dead-on-the-spot ang isang kilalang drug dealer sa Infanta, Quezon makaraan siyang makipag-barilan sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Kinilala ni C/Insp. Roberto Santos, hepe ng Pulisya sa bayan ng Infanta ang napatay na si Ranel Eranista Curioso, alyas “Panot”, 35-anyos at sinasabing tulak ng droga sa kanilang lugar.

Sinabi ni Santos na nagpunta sila sa bahay ni Curioso sa Barangay Poblacio para i-serve ang search warrant na inisyu ng hukuman kaugnay sa pagkakasangkot niya sa iligal na bentahan ng droga sa bayan ng Infanta.

Subalit nang makita niya ang mga tauhan ng Pulisya ay kaagad niyang pinagbabaril ang mga ito na naging dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa mapatay si Curioso.

Nang pasukin ng mga pulis ang bahay ng suspect ay naka-kumpiska sila ng ilang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sa nasabing operasyon ay hinuli rin ng mga Pulis ang ilang pinaniniwalaang mga kasangkot ni Curioso sa kanyang illegal drug trade.

Kabilang sa mga inaresto at kasalukuyang iniimbestigahan ay sina Vivian Avellaneda, Margarita Azogue, Edison Atentido, Mario Mandap, Wilson Juniosa, Menard Rualdo, Rusauro Perez, Marivic del Castillo, John Christian Aumentado, Gerald Agbayani, Dave Miras, Jaypee Junio, Czeerhelty Penamante, Albert Torres, Zaldy Conchada, Tom Carlo Pabon, Marisa Agbayani, Gloria Orozco, Lester Lavina, Jocelyn Gonzales, and Marife Cañon.

 

Sinabi naman ni SSupt. Eugenio Paguirigan, Quezon Provincial Police Director na tuloy ang kanilang intensified campaign laban sa iligal na droga sa ibat-ibang mga lugar sa lalawigan.

TAGS: Illegal Drugs, Infanta Quezon, PNP, shabu, Illegal Drugs, Infanta Quezon, PNP, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.