Silangang bahagi ng Visayas at Mindanao apektado pa rin ng Easterlies
Mainit at maalinsangang panahon pa rin ang mararanasan sa buong bansa ngayong araw.
Ito ay dahil sa pagkakaroon ng monsoon break, at ang easterlies ang weather system na umiiral partikular sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin ngayong araw na mayroong isolated na pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorm.
Sa Tuguegarao City posibleng umabot sa 36 degrees Celsius ang maximum na temperatura.
Habang 34 degrees Celsius naman ang maximum na temperatura sa Metro Manila.
Sa susunod na 3 hanggang 5 araw wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.