Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 503

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Linggo, July 5) , nadagdagan ng 1 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 503 habang 385 ang active cases.

Nadagdagan ng 2 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 95.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 983.

 

 

Read more...