Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Lunes ng hapon (July 6), 14 ang bagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa 1,050, 254 ang aktibong kaso.
127 ang itinuturing na probable cases habang 750 ang suspected cases kung saan 3,904 ang cleared na.
Nadagdagan naman ng 18 ang mga bagong gumaling.
Dahil dito, 736 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Nasa 68 na residente ng Mandaluyong ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
MOST READ
LATEST STORIES