Aktibong kaso ng COVID-19 sa Parañaque City, nasa 402 na
Umabot na sa 1,278 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Parañaque.
Sa datos ng Department of Health (DOH), Parañaque City Health Office and Parañaque City Epidemiology at Surveillance Unit (CESU), 402 o 31.4 porsyento ang aktibong kaso.
Nasa 812 naman o 63.5 porsyento ang total recoveries sa nasabing lungsod.
Umabot naman sa 64 ang 5 porsyento ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Narito ang bilang ng mga aktibong kaso:
Baclaran – 21
Don Galo – 3
La huerta – 27
San Dionisio – 30
San Isidro – 25
Sto Niño – 24
Tambo – 44
Vitalez – 1
BF Homes – 65
Don Bosco – 13
Marcelo Green – 20
Merville – 8
Moonwalk – 18
San Antonio – 23
San Martin De Porres – 7
Sun Valley – 52
Unknown barangay – 21
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.