Bilang ng ridership sa apat na rail lines, umabot sa 5.6-M

Umabot sa mahigit 5.6 milyon ang bilang ng ridership ng apat na rail lines, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa kagawaran, ito ay simula nang magbalik-operasyon ang mga tren nang isailalim ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ) phase 1 at 2 noong June 1 hanggang July 5.

Sa datos ng DOTr, nasa 5,620,043 ang ridership ng Light Rail Transit Line 1 at 2, Metro Rail Transit Line 3 at Philippine National Railways.

Naitala ang nasabing bilang simula June 1 hanggang 30.

Narito ang bilang ng ridership sa mga sumusunod na rail lines:
LRT-1 – 2,343,824
LRT-2 – 655,734
MRT-3 – 1,351,441
PNR – 307,083

Narito ang bilang ng ridership sa mga sumusunod na rail lines mula July 1 hanggang 5:
LRT-1 – 547,420
LRT-2 – 143,126
MRT-3 – 201,098
PNR – 70,317

Tuloy na ang operasyon ng mga nabanggit na rail lines sa ilalim ng partial, gradual at calibrated approach na may limitadong kapasidad, social distancing at sanitary measures.

Read more...