Bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, 905 na
By Angellic Jordan July 06, 2020 - 08:54 PM
Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (July 6), 905 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
684 pulis ang itinuturing na probable cases habang 1,238 ang suspected cases.
Umabot naman sa 418 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Nasa siyam pa rin ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.