124 pang residente sa Eastern Visayas, gumaling na sa COVID-19
Gumaling na sa COVID-19 ang 124 residente sa Eastern Visayas, ayon sa Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development (DOH EV CHD).
Sa datos hanggang July 6, umabot na sa 476 ang total recoveries sa nasabing rehiyon.
Ito ay 80.67 porsyento sa 590 na kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa Eastern Visayas.
Nasa siyam naman ang bagong napaulat na COVID-19 patient sa rehiyon.
Sa inilabas na 622 laboratory results ng EVRCTC, 612 ang nagnegatibo habang 10 ang nagpositibo sa COVID-19, siyam ang bagong kaso at isa ang re-swab result.
Naitala ang mga bagong kaso sa mga sumusunod na lugar:
Leyte:
– Capoocan (2) EV-582 & EV-583
– Ormoc City (3) EV-584 to EV-586
– Matalom (1) EV-587
– Leyte (1) EV-588
– Albuera (1) EV-589
Samar:
– Basey (1) EV-590
Sa 59 laboratory results naman mula sa DWHVL, 57 ang negatibo at dalawa ang positibo sa pandemya.
Kapwa re-swab results ito ng patient EV-399 mula sa Tabango, Leyte at patient EV-578 mula sa Carigara, Leyte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.