Cagwait, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Tumama ang magnitude 4.3 na lindol sa Cagwait, Surigao del Sur Lunes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 13 kilometers Southeast ng Cagwait bandang 6:22 ng gabi.

May lalim ang lindol na 48 kilometers at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na hindi naman nagdulot ng pinsala at intensities ang lindol.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...