Itinaas sa Alert Level 1 ang Mount Bulusan, ayon sa Phivolcs.
Sa Bulusan volcano bulletin bandang 6:00 ng gabi, July 7, nakapagtala ang monitoring network ng Bulusan volcano ng 53 volcanic earthquakes simula July 3.
Kabilang dito ang 43 low frequency events na nagdulot ng hydrothermal o magmatic gas activity.
Ayon sa Phivolcs, nangangahulugan na ang pagtaas sa Alert Level 1 ay mayroong abnormal condition ang bulkan.
Pinaalalahanan naman ang local government units at ang publiko na ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).
“Civil aviation authorities must also advise pilots to avoid flying close to the volcano’s summit as ash from any sudden phreatic eruption can be hazardous to aircraft,” dagdag pa ng ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.