Iloilo City oil spill damage, posibleng lumawak

By Jan Escosio July 06, 2020 - 06:46 PM

Nangangamba ang isang grupo ng mga mangingisda na lumawak pa ang pinsala sa karagatan ng oil spill sa Iloilo City.

Sa pahayag ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), nagbabala ito na ang oil spill ay umabot sa Guimaras Strait at Visayan Sea dahil sa alon at direksyon ng hangin.

Ayon sa grupo, kapag nangyari ito, tiyak na maapektuhan ang mga mangingisda mula sa Guimaras Island, Negros Occidental, Eastern Visayas, Western Visayas at Masbate.

Sinabi ni Fernando Hicap, national chairman ng grupo, ang insidente ay maaring magdulot ng pangmatagalang epekto o kontaminasyon sa karagatan, dalampasigan at maging sa kalupaan.

Kayat panawagan niya, “we call on the urgent government agencies to implement urgent measures to contain the oil spill and prevent it from spreading across the major fishing grounds in Visayas.”

Tinatayang aabot sa 48,000 litro ng langis ang tumapon sa dagat sa pagsabog sa power barge ng AC Energy Inc., sa Lapuz District sa Iloilo City noong nakaraang Biyernes.

May 375 katao na mula sa Barangay Obrero at Barangay Mansaya ang kinailangan lumikas dahil sa matinding amoy na idinulot ng oil spill.

Iniimbestigahan na ang sanhi ng insidente.

TAGS: Iloilo City oil spill damage, Inquirer News, pamalakaya, Radyo Inquirer news, Iloilo City oil spill damage, Inquirer News, pamalakaya, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.