Tulong ng NBI ukol sa naranasang cyberbullying, hiniling ni Rep. Remulla

By Erwin Aguilon July 06, 2020 - 05:50 PM

Nagpasaklolo na sa National Bureau of Investigation si Cavite Rep. Boying Remulla matapos ang ilang araw nang “cyberbullying” sa kanya.

Sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises at House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni Remulla na naghain na siya ng reklamo sa NBI ukol dito.

Naniniwala ito na organisado ang pag-atake sa kanya at kapwa mga kongresista na kagagawan ng ilang indibidwal na nag-eempleyo ng trolls para sila ay batikusin sa kasagsagan ng franchise hearing.

Iginiit nito na ang pagtalakay nila sa prangkisa ng Lopez-led broadcast company ay kanilang tungkulin bilang mga kongresista sa ilalim ng Saligang Batas.

Hindi aniya dapat ito palampasin at kailangan na panagutin ang mga nasa likod ng naturang hakbang.

Nauna rito kumalat sa social media ang video ni Remulla na sa kasagsagan ng Lupang Hinirang sa pagdinig ng House committees on legislative franchises at good government and public accountability noong nakaraang linggo ay nakayuko ito at nagsusulat.

Kasabay nito, umapela si Remulla sa dalawang komite na sulatan ang NBI para silipin naman ang paggamit ng ABS-CBN sa Channel 43 ng AMCARA Broadcasting Network.

TAGS: 18th congress, ABS-CBN franchise, ABS-CBN franchise renewal, cyberbullying, Inquirer News, NBI, Radyo Inquirer news, Rep. Boying Remulla, 18th congress, ABS-CBN franchise, ABS-CBN franchise renewal, cyberbullying, Inquirer News, NBI, Radyo Inquirer news, Rep. Boying Remulla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.