Sinabi ni Dr. Edsel Salvana, miyembro ng technical advisory group na nagbibigay payo sa Department of Health at Inter-Agency Task Force, ang D614G mutation ng COVID 19 ay mas nakakahawa.
Sa kanyang Facebook post, nilinaw naman agad ni Salvana na wala pang ebidensiya na ang D614G ay mas nakakamatay.
Ngunit aniya, dahil mas mabilis itong makahawa posibleng mahirapan na ang health care system ng bansa kapag hindi napaigting ang pagsusumikap ng lahat na talunin ang nakakamatay na sakit.
“The D614G mutation makes the virus more infectious (mas nakakahawa). There is NO evidence it makes it more deadly or virulent (mas nakakamatay). However, it can spread faster and overwhelm our healthcare system if we don’t double our control efforts and so it can lead to a higher number of overall deaths if we do not properly manage the number of infections. Wear a mask, physical distance and strictly follow minimum healthcare protocols. The virus leveled up. We have to level up as well,” post ni Dr. Edsel Salvana sa Facebook.
Araw ng Linggo, July 5, naitala ang pinakamalaking dagdag na bilang ng kaso sa bansa na 2,434.
Dagdag ng eksperto, malinaw na nadadagdagan ang bilang ng mga kaso kahit na ilan sa mga ito ay napapa-ulat na ‘late cases.’
Ayon sa DOH, ang pagsirit ng bilang ay dahil sa dumadami ang ‘contacts’ ng populasyon bunga ng pagluwag sa community quarantine measures.
Sinabi pa ni Salvana na ang ang ‘D614G’ ay tatlo hanggang siyam na beses na mas mabilis makahawa.
Diin nito, kailangan ang seryosong pagsunod sa health and safety protocols.
“We must all be meticulous with our compliance or [it’s] back to ECQ and many people will die from the virus or starve. No time for fighting among ourselves. Man versus virus. We can do this if we all work together,” aniya.