4 tripulante ng M/V Vienna Wood, inasunto na ng PCG

By Jan Escosio July 06, 2020 - 02:30 PM

Reklamong reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property ang isinampa ng Philippine Coast Guard laban sa apat na opisyal ng M/V Vienna Wood.

Inihain ang mga reklamo sa Occidental Mindoro Prosecutor’s Office at si Lt. Valeria Lagua, ang station commander ng PCG Occidental Mindoro, ang umaktong complainant.

Inireklamo niya sina Zhang Weiwei, ang sinasabing kapitan ng Hong Kong-flagged bulk carrier; Shin Bin, Yi Lei at Yang Xileng.

Nabatid na tumatayong testigo naman sa mga reklamo ang pahayag ng mga Coast Guard personnel, mga mangingisda at ang mga unang sumaklolo sa insidente.

Samantala, hindi pa rin natatagpuan ang 12 Filipinong mangingisda at dalawang pasahero ng FV Liberty 5.

Noong nakaraang Huwebes, binago na ng PCG sa search and retrieval ang inilunsad na search and rescue operations at ang pangamba ay napasama ang 14 sa paglubog ng kanilang bangka noong nakaraang Hunyo 28.

May lalim na 2,000 metro ang pinaglubugan ng bangka at ang mga divers ay maari lang sumisid hanggang 100 metro.

TAGS: damage to property, Inquirer News, M/V Vienna Wood, PCG, Radyo Inquirer news, reckless imprudence resulting to multiple homicide, damage to property, Inquirer News, M/V Vienna Wood, PCG, Radyo Inquirer news, reckless imprudence resulting to multiple homicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.