Importasyon ng karneng baboy, dapat limitahan ng gobyerno

By Erwin Aguilon July 06, 2020 - 05:17 PM

Iginiit ni Asst. Majority Leader at ACT CIS Rep. Niña Taduran na limitahan ng bansa ang importasyon ng karneng baboy bunsod ng bagong uri ng swine flu mula sa China.

Ayon kay Taduran, ang bagong G4 strain ng H1N1 swine flu ay nakaapekto na sa 10% ng mga nag-aalaga at nagnenegosyo ng baboy sa China at pinangangambahan din itong maging pandemya.

Giit pa ni Taduran, aabot sa 94% ang self-sufficiency ng Pilipinas pagdating sa karneng baboy kaya’t hindi na dapat kailangan ang pag-aangkat sa nasabing produkto.

Binigyang diin nito na mas dapat protektahan ng pamahalaan ang kalusugan ng mga Filipino gayundin ang kabuhayan ng mga hog raiser kaya nararapat ang agarang aksyon upang maiwasan ang pagsulpot ng bagong health crisis.

Dahil dito, umapela si Taduran sa gobyerno na bawasan ang importasyon ng karneng baboy at maglatag ng striktong quality control sa mga karneng pumapasok sa bansa.

TAGS: hog raisers, importasyon ng baboy, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Niña Taduran, hog raisers, importasyon ng baboy, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Niña Taduran

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.