May 2 opsyon sa pagsasagawa ng SONA ni Pangulong Duterte – Palasyo
May dalawang opsyon na pinagpipilian si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang State of the Nation Address sa July 27.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pinag-uusapan na kung personal na pupunta si Pangulong Duterte sa Kongreso na may 50 mambabatas lamang mula sa Kamara at Senado.
Isa rin sa opsyon ay live telecast pero kailangan pa rin na limitahan ang kapasidad dahil nasa general community quarantine pa ang Metro Manila.
“Dalawa na nga po yung pinag uusapan. Pupwedeng pumunta physically si Presidente na meron lang around 50 members of Congress both from the House and the Senate, or pupwedeng live telecast na lang siya pero reduced capacity rin dahil even under GCQ it will have to be 50 percent of capacity of Congress,” pahayag ni Roque.
Tatagal ang GCQ sa Metro Manila hanggang sa July 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.