Pangulong Duterte, walang sakit – Palasyo

By Chona Yu July 06, 2020 - 02:18 PM

Walang sakit si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malaknyang matapos ang puna ng netizen na mistulang may sakit si Pangulong Duterte nang humarap sa mga sundalo sa Zamboanga noong Biyernes.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naging emosyonal at matamlay ang pangulo nang kausapin ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo.

Apektado aniya ang 0angulo dahil kagaya ng isang ama, malungkot na namatayan at nag-away away ang kanyang mga anak.

May mga pagkakataon pa aniya na basag ang boses ng pangulo dahil sa lungkot.

Wala aniyang kinalaman sa lagay ng kalusugan ng pangulo kundi emotional-related ang pagiging matamlay ng punong ehekutibo.

Nangako aniya ang pangulo na hahayaan ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng imbestigasyon st mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng apat na sundalo.

TAGS: Inquirer News, President Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, Inquirer News, President Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.