Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras
Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:36 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bataan.
Maaapektuhan din ang Tagkawayan, Atimonan, Mauban, Sampaloc at Lucban sa Quezon; Rizal, Nagcarlan at Mabitac sa Laguna; San Miguel, Doña Remedios Trinidad, San Jose Del Monte sa Bulacan.
Uulanin din ang Pililla at Jala-Jala sa Rizal; Ternate at Maragondon sa Cavite; Nasugbu sa Batangas; at maging sa Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, San Felipe at San Narciso sa Zambales.
Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.