Colorum vans naghahatid ng mga LSI sa mga probinsya
Sinisisi ng Hatid Tulong Program ang mga colorum van na nagpapasakay at nagpapauwi sa mga locally stranded individuals kung kaya tumataas ang kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang probinsya.
Ayon kay Assistant Secretary Joseph Encabo ng Hatid Tulong Program, ito ang dahilan kung kaya nagpasaklolo na sila sa Philippine National Police (PNP) para hulihin ang mga colorum van.
Ayon mah Encabo, dalawang colorum van na may sakay ng nga LSI at pauwi ng Samar ang nahuli.
Nagrenta aniya ang mga LSI ng colorum na van at bumiyahe.
Ayon kay Encabo, nag presente ang mga LSI ng mga expired na na resulta ng rapid test at travel authority.
Aabot pa sa 13,000 LSI ang hindi pa nakauuwi sa kani kanilang probinsya at patuloy na tinutulungan ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.