Sen. Cynthia Villar nag-init ang ulo sa mga taga NFA

By Jong Manlapaz February 23, 2016 - 02:50 PM

Cynthia Villar
Inquirer file photo

Binulyawan ni Sen. Cynthia Villar si National Food Authority Administrator Renan Dalisay sa ginawang pagdinig ng Committee on Agriculture and Food na may kinalaman sa supply ng bigas at ang smuggling sa bansa.

Hindi kasi nagustuhan ni Villar, ang naging pahayag ni Dalisay na hanggang sa ngayon nagbibigay pa rin sila ng import permit sa mga pribadong sektor para makapag- angkat ng bigas.

Naniniwala si Villar na Chairman din ng komite, na sa mga pribadong sektor na binibigyan ng permit ng NFA isinasabay ang mga smuggled na bigas.

Pinagsabihan pa ni Villar si Dalisay, na hindi nakikinig dahil dalawang taon na nila pinag uusapan na gawing government-to-government na lang ang pag aangkat ng bigas.

Nagpa-init din ng ulo ni Villar ang naging pahayag ng Bureau of Customs na wala silang magawa sa nangyayaring smuggling sa mga pantalan sa Zamboanga.

Dito sinabihan ni Villar ang mga taga BOC na patayin na lamang ang mga sarili dahil wala naman silbi.

Pinagsabihan din ni Villar ang Department of Justice dahil hanggang sa ngayon wala pa rin nasasampahang kaso laban sa mga smuggler.

TAGS: nfa, Renan Dalisay, Sen. Cynthia Villar, smuggled rice, nfa, Renan Dalisay, Sen. Cynthia Villar, smuggled rice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.