3 petisyon vs Anti-Terrorism Law naihain na sa SC

By Dona Dominguez-Cargullo July 06, 2020 - 09:53 AM

Tatlong petisyon na ang naihan sa Korte Suprema na layong kuwestyunin ang legalidad ng Anti-Terrorism Law.

Matapos maghain ng petisyon via email noong Sabado, ngayon umaga ay pormal na isinumite nina Atty. Howard Calleja at Bro. Armin Luistro ang kanilang petisyon laban sa batas.

Humihirit sina Calleja ng Special Civil Action for Certiorari and Prohibition at Temporary Restraining Order sa Korte Suprama.

Ngayong umaga nagsumite na rin ng petisyon sa SC si Albay Rep. Edcel Lagman para kwestyunin ang constitutionality ng Anti-Terrorism Act.

Mga kinatawan lamang ni Lagman ang naghain ng petisyon na humihirit din sa Mataas na Hukuman na magpalabas ng certiorari and prohibition at TRO.

Nais ni Lagman na ipatigil ng SC ang pagpapatupat ng Anti-Terrorism Act of 2020 at ipawalang bisa ang buong batas.

Samantala, naghain na din ng petisyon si Far Eastern University College of Law Dean Mel Sta. Maria.

Kapwa petitioner ni Sta. Maria ang iba pang FEU Law professors.

Anila, hindi malinaw ang depenisyon ng “terrorism” sa sections 25 at 29 ng batas.

Sa nasabing probisyon, pinapayagan ang warrantless arrests base sa “mere suspicion” lamang.

 

 

TAGS: anti terrorism law, Inquirer News, News in the Philippines, Petition, Radyo Inquirer, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website, tro, anti terrorism law, Inquirer News, News in the Philippines, Petition, Radyo Inquirer, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website, tro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.